July 21st, 2007 by droidz
idinuduyan ako ng iyong tinig
patungo sa landas ng mga alamid,
doon, kung saan tayo nagtagpo, noon
minsang tag-ulan at mababa ang ulap
sa bundok Sinombrero, ang iyong hininga
humahaplos sa aking batok.
basa tayo ng pawis sa maghapong paglalakad
sakbat ko ang pangamba sa aking dibdib
yumakap ka sa akin upang langhapin
ang samyo ng tsokolateng nakatago
sa aking bulsa, sa aking kamay
orkidyas na luray ang inagaw natin sa mataas
na punong narra. nabagting ka pa,
pag-akyat. hindi kita sinalo.
ngayon,
nahihirapan akong huminga.
tila
idinuduyan ako ng iyong tinig sa pagtulog
dahil sa
Flutab
for symptomatic relief of cold and flu.
contains pseudo-ephedrine.
#
Translation:
Pseudo
your voice hums me slowly to sleep, brings me
to the trodden paths of the mountain cats,
there, where we meet for the first time, then
one rainy season when the clouds are low
at Mt. Sinombrero, your breath
caressed my neck.
our bodies wet with sweat from a day-long walk,
i wore my fears on my chest
you embraced me to savor
the fragrance of chocolate hidden
in my shirt pocket, in my hands
the wilted orchid we robbed earlier from the tall
narra tree where the vines caught you.
you fell - but i didn’t catch you.
now,
i can hardly breath
as if
your voice is soothing me to sleep
because of
Flutab
for symptomatic relief of cold and flu.
Contains pseudo-ephedrine.)
~ a. m. ociones
riyadh, saudi arabia
27 December 2004
Posted in Poetry | No Comments »
July 19th, 2007 by droidz
(para kay dyra)
alimbukay ng alikabok
ang bumati sa umagang
naninikip ang langit
binughan ng pinong buhangin,
mumunting salitang sumama
sa hangin, ngayo’y bihag
ang dibdib
sa pangamba naglulunoy,
nangungulila sa liwanag
ng iyong tinig, pag-ibig, salita
paghupa ba ng alikabok
naroroon ka?
~ 17 July 2007
~ jeddah, saudi arabia
Posted in Poetry | No Comments »
July 6th, 2007 by droidz
we meet somewhere, somehow
and over coffee
we sipped
each minute by;
our eyes lock, we kiss,
embraced the hot
brew that brimmed
over the cup
in our hands -
heat is the rush
caffeine in your lips
sugar on your hips
cream on your bosom
that drowned
the din that was
the net,
as if we have known each other
for a lifetime. until
we’ve finally met
face to face
somewhere, somehow
and facing
the bottom of the cup
realized
there
won’t
be
any
refills.
~ september 2004
a. m. ociones
(with a lot of help
from www.groups.yahoo.com/pinoypoets)
Posted in Poetry | No Comments »
June 24th, 2007 by droidz
sa bawat mong pag-alis:
pupulutin ko.
iipunin
bawat sandaling
nalaglag
tulad ng mga upos
sigarilyo sa sahig.
ika’y usok
muling sumanib sa hangin
ako’y bakas
sa sulok itinapon.
~ a.m. ociones
Disyembre 1997 (revised)
Posted in Poetry | No Comments »
June 23rd, 2007 by droidz
naririyan na naman
sa bubungang giray
kinakalampag
kulang na lang malaglag
kinakalawang na atip
tila pa nga nananadya ~
habulan
rambulan
angilan
at pagkatapos,
katahimikang
babasagin
nating dalawa
habol-hininga:
natapos na sila,
ngunit,
naiwan pa ako
sa iyo.
~ 1991
a.m. ociones
Posted in Poetry | No Comments »
June 21st, 2007 by droidz
walang imik ang mga pilapil
mahigpit ang halukipkip
sa pinaggapasan, ang sigaw
ng araw, yumayakap
sa malalalim na bitak
tuyong pinitak
bahaw na tinig
hiningang sinikil
nananatiling bingi
ang hangin
sa bawat na dalangin
ngunit
asingaw alimuom …
masuyong humaplos
sa makisig na lalaking
tumawid sa kabukiran
upang isilong
kalabaw, nakasuga
sa paghihintay.
~ Marso 1997
a. m. ociones
Posted in Poetry | No Comments »
June 20th, 2007 by droidz
Bahagya pa lamang akong nagpapakabihasa
Na mamilapil sa taludturan
Paa ko’y dumadaplis pang minsan
Nasusugat, natitinik ng subyang sa paghakbang
Pagdama sa katagang sumisibol sa linang.
Sa paghahasik ng mga salita
Punla ko’y karanasang
Binunot sa parang, sa aklat, kaya’t
Talim ng ugit ang hanap
Ng bawat kaisipang supling ng panulat.
Pagkat ako’y makatang nagsusumikap
Matibay ang pagnanais na mag-ugat
Sa lupa, upang linamnam ng paglaya
Ay gintong mga butil na aanihin
Ugat ng kahirapan ay uusigin.
~ 20 Agosto 1997
Posted in Poetry | No Comments »
June 19th, 2007 by droidz
naghihintay ng ulan
ang tigang na parang
tinakasan na ng hamog
sa simula pa lamang
ng tag-araw. ang parang,
paos na humihiyaw
masidhi ang pagnanasang
maibsan ang tagtuyot.
lumipad ang alipato
nagmula sa kalan
ng isang magsasaka;
ito ay dumapo
sa tuyong kogonan.
nagsimula ang apoy,
ngunit,
nagsimula rin
ang ulan.
narito ka,
at narito ako,
sa gitna ng ulan.
~ Marso 1991
Posted in Poetry | No Comments »